^

Police Metro

Go: Pagtulong sa mga low income magpapatuloy

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magpapatuloy na magkakaloob ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go ng tulong sa mga low-income communities sa bansa sa gitna nang nararanasang global health crisis at sa pagkakataong ito ay daan-daang indigent residents naman sa Quezon City ang natulungan.

Namahagi ang outreach team ng senador ng mga pagkain at face masks sa may 833 vulnerable residents na mula sa mga barangay ng North Fairview, West Fairview, Gulod, San Bartolome, Nova Proper, Greater Lagro at Sta. Lucia sa Teresa Heights Subdivision Covered Court.

Namahagi rin sila ng mga bagong pares ng sapatos at computer tablets, gayundin ng mga bisikleta sa mga piling residente upang makatulong sa mga ito sa kanilang pagko-commute ngayong patuloy na sumisirit ang pres­yo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Sa isang video message, hinikayat ni Sen. Go ang lahat ng kuwalipikadong indibidwal na magpaturok na ng primary series at booster shots ng COVID-19 upang maprotektahan sila laban sa virus at mapalakas pa ang economic recovery ng bansa.

HEALTH CRISIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with