^

Police Metro

P5.4 milyong ecstasy nasabat sa Clark

Danilo Garcia - Pang-masa
P5.4 milyong ecstasy nasabat sa Clark
Nabatid na isinailalim sa ‘x-ray scanning’ ang isang shipment na idineklarang “Bass Booster” at nakita ang imahe na kahalintulad sa mga tabletas.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Nasabat ng Bureau of Customs sa Port of Clark ang nasa P5.4 milyong halaga ng party drug na ecstasy mula sa Brussels, Belgium.

Nabatid na isinailalim sa ‘x-ray scanning’ ang isang shipment na idineklarang “Bass Booster” at nakita ang imahe na kahalintulad sa mga tabletas.

Kaya’t nagsagawa ng pisikal na eksaminasyon na natagpuan ang isang booster speaker ngunit natagpuan ang apat na plastic sachet na naglalaman ng mga tabletas at isiningit sa pagitan ng mga karton at nasa 3,215 na tabletas na iba’t iba ang hugis ang natuklasan.

Una nang isinailalim sa K9 unit examination ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang shipment na nagbigay ng indikasyon na may laman itong iligal na droga.

Ilang sampol ang dinala sa PDEA para sa ‘laboratory analysis’ na nagkumpirma na ito nga ay methylenedioxyme­thamphetamine o ecstasy.

Naglabas na ng warrant of seizure and detention ang BOC sa shipment dahil sa paglabag sa R.A. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) in relation to R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

ECSTACY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with