^

Police Metro

Sindikato sinisilip ng PNP sa ‘missing sabungeros’

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang sindikato umano ng mga financiers ang isa sa sinisilip na anggulo ng Philippine National Police (PNP) matapos tumestigo ang isang ginang sa senate inquiry noong nakaraang linggo tungkol sa pagkawala ng kanyang mister na isa sa 31 sabungero na nawawala.

Ayon kay Geralyn Magbanua, asawa ng na­wawalang sabungero na si Manny Magbanua, naniniwala siya na may kinalaman ang may-ari ng breeding farm ng mga manok na panabong sa Tanay, Rizal sa pagkawala ng kanyang mister at isa pang kasamahan.

Ani, Geralyn kay Senate Committee on Peace and Order and Dangerous Drugs Chairman Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, ilang linggo pa lang nagtatrabaho bilang “handler” ng mga manok ni Julius Javillo ang mister niya.

Gabi ng January 12, 2022 nang ipasundo umano ni Javillo ang mister na si Manny para bumitaw ng manok ng amo sa sabong kinabukasan sa Sta. Cruz, Laguna.

Batay sa kwento ni Ginang Magbanua, kasama ng mister niya si Marvin Flores, na tauhan din ni Javillo, na nawawala rin hanggang ngayon.

Hindi raw sumama si Javillo sa Sta. Cruz, Laguna nang mawala ang dalawa pero ayon sa mga otoridad, hindi na rin nila matagpuan ang financier ngayon na posibleng nagtatago lang.

Isa nga sa tinitignan nilang anggulo sa pagkawala ng 31 na sabungero ay isang malaking sindikato na sangkot sa “panto-tyope sa online sabong na posibleng inonse naman ng mga nawawalang mga tao.

vuukle comment

SABUNGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with