^

Police Metro

‘Oplan Baklas’ ng Comelec nirerespeto ng Malacañang

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nirerespeto ng Malacañang ang programa ng Commision on Elections (Comelec) na “Oplan Baklas” laban sa mga porters at tarpaulin ng mga kandidato na lumalabag sa election rules.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang Comelec ay isang independent na constitutional body at lahat ng mga bagay na may kinalaman sa halalan ay sakop ng komisyon.

“We know na based on the Constitution na ang Comelec is an independent constitutional body. So, for election related activities, it’s really Comelec’s rules and regulations ang mai-implement o i-implement ng Comelec based on its constitutional mandate,” ani Nograles.

Maaari naman aniyang gumawa ng legal na hakbang ang mga kumukuwestiyon sa pagbabaklas ng mga campaign posters at tarpaulins ng mga tumatakbong kandidato.

Nauna rito, inihayag din ni Comelec spokesperson James Jimenez na maaaring maghain ng reklamo s COMELEC ang sinuman kaugnay sa “Oplan Baklas” program.

Naglaan ang Comelec ng common poster areas sa mga pampublikong lugar katulad ng palengke, plazas, matataong lugar sa mga siyudad at munisipalidad na inapruba­han ng Election Officers (EOs).

vuukle comment

OPLAN BAKLAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with