^

Police Metro

Kuryente sa palaisdaan ni Quezon Gov. Suarez, pinutol

Tony Sandoval - Pang-masa

Dahil sa utang na higit P4 milyon

MANILA, Philippines — Dahil sa hindi umano pagbabayad ng utang sa kuryente sa fish hatchery ni Quezon Governor Danilo Suarez ay pinutol ito kamakalawa ng Quezon 1 Electric Cooperative, Inc. (Q1ECI).

Ang pagputol ng kur­yente sa Fin Fish Hat­chery na pag-aari ni Gov. Suarez ay matatagpuan sa Brgy. Punta, Unisan, Quezon ay isina­gawa nitong Huwebes ng ala-1:15 ng hapon ng engineering department dahil sa umabot sa mahigit P4 milyon ang utang sa kuryente.

Nilagdaan nina Que­zelco 1 officials Magene R. Grefalda, Finance Manager at Acting General Manager Victor Cada, dating board member at Quezelco 1 legal counsel Atty. Frumencio ‘Sonny’ Fulgar na nagsulat ng demand letter na naka-addressed kay Governor Danilo Suarez, kung saan nakasaad sa sulat na magbayad ito sa loob ng limang araw at kung hindi ay puputulan ito.

Ayon pa sa liham ni Pulgar, ang Suarez facility ay may kabuuang utang na P4,530,276.09 sa Q1ECI hanggang January 12 at sinasabi ni Gov. Suarez na ang mga kinunsumong kuryente ng nasabing fish hatchery ay sakop ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Subalit, ayon kay Allan Castillo, provincial official in charge ng BFAR sa Lucena City na hindi responsibilidad ng BFAR gayundin ang mga kinukunsumong kuryente ng pasilidad.

DANILO SUAREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with