Lino Cayetano alkalde pa rin ng Taguig City
MANILA, Philippines — Nanatiling alkalde ng Taguig City si Lino Cayetano nang ibasura kamakailan ng 2nd Division ng Commission of Elections (Comelec) ang protesta ni Arnel Cerafica sa pagkapanalo nito sa eleksiyon noong 2019.
Sa naturang halalan, tinambakan ni Cayetano si Cerafica matapos mabilang sa kanyang pabor ang 172,710 na boto, samantalang 109,313 lamang ang nakuhang boto ng huli.
Sa utos na ipinalabas ng Comelec noong 31 Enero 2022 ay walang nakitang patunay ng mga iregularidad kagaya ng pamimili ng boto, pagshade ng mga poll watchers ng mga balota, pamamahagi ng sample ballots, at malfunction ng VCMs (vote counting machines) na siyang nagbigay di-umano ng panalo kay Mayor Cayetano.
Nakita sa mismong mga binuksan at manwal na siniyasat na mga balota na walang iregularidad sa botohan, bagkus naitaguyod ng mga nirepasong balota ang malinaw na pagpili ng mayorya ng mga botante kay Mayor Cayetano.
Sa 252-pahinang order, isinaad ng Comelecang pagbusisi ng walong (Revision Committees sa mga balota sa 93 pilot protested precincts na katumbas ng 20% ng 467 protested precincts. Sa naunang pagbilang ng VCMs sa naturang 93 precincts, may 33,557 na balota ang pabor kay Cayetano samantalang may 25,463 ang inilista kay Cerafica.
Alinsunod sa patakaran ng Comelec, kailangang magpakita ng substantial recovery si Cerafica upang maipagpatuloy ang kanyang protesta sa mga naiwang contested precincts.
Sa matiyaga at detalyadong pagsusuri ng Revision Committees, nakompirmang suntok sa buwan ang protesta ni Cerafica na umabot lamang sa 82 dagdag na boto ang nailista sa kanya, subalit nabawasan din siya ng 11 boto kung kaya’t ang dating 25,463 na boto sa kanya ay naging 25,534 (o dagdag na 71 lamang).
- Latest