Travel ban sa mga banyagang turista na ‘fully vaccinated’, inalis na
MANILA, Philippines — Inalis na ng gobyerno ang ipinatutupad na travel ban sa mga banyagang turista na kumpleto ang bakuna laban sa COVID-19 at mula sa mga “non-visa required countries” o mga bansa na maaaring pumasok sa Pilipinas kahit walang visa.
“February 10 po magiging effective iyong pinapayagan na nating pumasok ‘no ang foreign nationals coming from countries na under sa EO 408 Series of 1960,” anunsiyo ni Cabinet Secretary at acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles.
Ayon pa kay Nograles, simula sa Pebrero 1 ay hindi na rin magka-classify ang gobyerno ng red, yellow at green countries.
Maaari na aniyang pumasok sa Pilipinas pagdating ng Pebrero 10 ang mga foreign nationals na turista kabilang din ang mga gustong mag-negosyo sa Pilipinas, pero dapat ay kumpleto ang bakuna ng mga ito.
Sinabi rin ni Nograles na nakapaloob sa EO 498 Series of 1969 ang listahan ng mga bansa na puwedeng pumasok sa Pilipinas kahit walang visa. - Danilo Garcia
- Latest