Unang blood bank sa Quezon City, binuksan na sa publiko
MANILA, Philippines — Hindi na mahihirapan ang mga taga-Quezon City at karatig lungsod sa paghahanap ng libreng dugo ng mga nangangailangan nang buksan na sa publiko kahapon ang kauna-unahang blood bank station ng Philippine National Red Cross sa Quezon City.
Personal na pinangunahan ang pagbubukas ng blood bank ni QC 5th district Councilor PM Vargas, head ng Red Cross Novaliches branch kasama si Congressman Alfred Vargas na matatagpuan sa Pamilyang Malusog Building sa Barangay Hall Compound ng Greater Fairview, Quezon City.
Anya, napapanahon ang pagbubukas ng blood bank dahil sa dami ng tao na nangangailangan ng suplay ng dugo at handa rin ang Red Cross na tumanggap ng blood donors.
Ang blood bank ay libreng magseserbisyo sa lahat ng mamamayan ng QC hindi lamang sa District 5 kundi ng sinumag tao sa Metro Manila o sa bansa na nangangailangan ng dugo.
Sa pagbubukas ng blood bank ay may mahigit 10 katao ang nag-donate ng kanilang dugo para makatulong sa mga nangangailangan nito.
- Latest