^

Police Metro

Face shield kailangan sa pagboto sa 2022 elections

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kailangan pa ring isuot ng mga botante na dadagsa sa mga voting precincts ang face shields sa Mayo 9 elections.

“We are looking at 105,000 precincts. That is up from only around 80,000 nung nakaraang halalan 2019,” ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez.

Tulad ng mga nagdaang halalan, gagamitin pa rin ng Comelec ang mga silid-aralan sa mga pampublikong paaralan bilang mga presinto.

Magpapatupad naman umano sila ng mahigpit na social distancing para hindi maging ‘super spreader’ ng virus ang halalan.

Ipinaalala rin ni Jimenez na kasama pa rin sa kanilang panuntunan na kailangang magsuot pa rin ng face shields ng mga botante upang magkaroon ng dagdag na proteksyon laban sa virus.

“Di kayo papayagan bumoto nang hindi kayo naka-face mask and unfortunately nang hindi kayo naka-face shield,” saad ni Jimenez.

Inaasahan naman ng komisyon na marami ang magrereklamo sa pagpapasuot ng face shield ngunit habang hindi ito tinatanggal ng mga komisyuner sa panuntunan ay kailangan umano itong sundin.

FACE SHIELD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with