^

Police Metro

‘Most corrupt’ prexy bets ibubunyag ni Duterte

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang ibunyag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bago ang national elections ang “most corrupt” presidential candidate.

Ayon kay Pangulong Duterte, na obligasyon niya na ipaalam sa mga mamamayang Filipino ang mga bagay na alam niya upang tulungan ang mga ito sa kanilang desisyon.

Sa kanyang Talk to the People ay  sinabi nito na ang kanyang hakbang ay hindi isang uri ng politicking o pamumulitika kundi ang ipabatid lamang sa publiko kung ano ang kanyang nalalaman base sa impormasyon na natanggap niya at base sa kanyang personal na karanasan.

“Hindi ako namumulitika ; I’m talking to you as your president… Ito kailangan ilalabas ko because we are talking of elections. We are talking of our country and the next rulers so to say,” dagdag na pahayag nito.

Binigyang diin ng Chief Executive na isa sa mga kandidato sa pagka-pangulo ay “really cannot be a president” habang ang isa pang kandidato ay hindi maaaring iboto sa pagka-pangulo dahil “too corrupt.”

“Akala lang kasi ng mga tao malinis pero ‘yung mga nag-transact sa business sa kanya, mga official business, pati yung mga Chinese nagreklamo na na masyadong corrupt daw.”

“Sabi ko, ang magagawa ko is to charge him for corruption. Could be under the Revised Penal Code, it could be under Corrupt Practices Act,” ani Pangulong Duterte.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte, hindi siya nagbanggit ng anumang pangalan,subalit giit nito na hindi niya ito ginagawa para personal na atakihin ang isang kandidato.

Hindi naman ­malinaw kung papangalanan ni Pangulong Duterte ang kandidato,gayunpaman, bahala na aniya ang mga Filipino kung paniniwalaan siya ng mga ito sa kanyang sinabi.

CORRUPT

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with