300 returning Pinoys kada araw, positibo sa COVID-19 - BOQ
MANILA, Philippines — Ibinunyag kahapon ng Bureau of Quarantine (BOQ) na umaabot sa 300 overseas Filipinos na dumarating sa bansa araw-araw, ang positibo sa COVID-19.
Sinabi BOQ Deputy Director Roberto Salvador Jr., ang nasabing bilang ay 10 hanggang 14 na porsiyento ng 3,000 na biyahero na dumarating sa Pilipinas araw-araw.
“Sa ngayon po ang average natin per day na arrivals, ‘yung capacity natin, is 3,000. Ang nagpa-positive every day is close to 300, so approximately, 10 percent to 14 percent ang nagpa-positive sa arrivals nating mga Pilipino,” ani Salvador.
Nilinaw din ng BOQ na tumatanggap sila ng positive result ng RT-PCR ng mga galing sa ibang bansa ng nasa 300 kada araw.
Idinagdag ni Salvador na hindi nila inaasahan ang sobrang pagtaas ng mga nagpositibo simula noong Disyembre hanggang sa ikalawang linggo ng Enero.
- Latest