^

Police Metro

Mga ‘di bakunado bawal na rin sumakay sa LRT-2

Mer Layson - Pang-masa
Mga �di bakunado bawal na rin sumakay sa LRT-2
Sa paabisong inisyu kahapon ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ito’y bilang pagtalima na rin sa ‘No Vaccination, No Ride/No Entry’ policy na ipinag-utos ng Department of Transportation (DOtr) sa mga public transportation sa Metro Manila.
LRT-2 / Twitter

MANILA, Philippines — Simula sa Lunes ­(Enero17) ay hindi na maaaring sumakay sa mga tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

Ang LRT-2 ang siyang nag-uugnay sa Recto Avenue sa Maynila at Antipolo City.

Sa paabisong inisyu kahapon ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ito’y bilang pagtalima na rin sa ‘No Vaccination, No Ride/No Entry’ policy na ipinag-utos ng Department of Transportation (DOtr) sa mga public transportation sa Metro Manila.

Anang, LRTA, ­tanging ang mga bakunadong pasahero lamang umano ang maaaring sumakay sa mga tren ng LRT-2 ngunit kailangan nilang magpakita ng alinmang government-issued ID at ng pisikal o digital na kopya ng vaccination card na inisyu ng local government unit (LGU), vaccination certification na inisyu ng Department of Health (DOH) at anumang IATF-prescribed document.

Nabatid na hindi naman sakop ng naturang polisiya ang mga taong hindi maaaring bakunahan dahil sa kondisyong medikal, ngunit kailangan ng mga ito na magpakita ng medical certificate na pirmado, may pangalan at contact number ng kanyang doktor.

Hindi rin sakop ang mga taong may medical emergencies at ang mga bibili ng essential goods and services tulad ng, at hindi limitado sa, pagkain, tubig, gamot, medical devices, public utilities, energy, trabaho at pangangailangang medical at dental na siyang nakasaad sa Barangay health pass o anumang katibayan na siya ay pinapayagang magbiyahe.

vuukle comment

LRT 2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with