Pagbili ng paracetamol, flu meds nilimitahan sa publiko
MANILA, Philippines — Matapos na magkaubusan sa ilang drug stores ay nilimitahan ng pamahalaan ang publiko sa pagbili ng paracetamol at ilang flu medicines.
Ito ang sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, nang magpalabas ang trade at health departments ng isang joint memorandum na nagtatakda ng limitadong pagbili ng paracetamol at carbocisteine.
Sa ilalim ng memorandum, ang isang indibidwal ay maaari lamang bumili ng 20 tablets ng 500-mg paracetamol, habang ang isang sambahayan o buong pamilya ay maaaring bumili ng 60 tableta.
“Nakasaad din sa joint memorandum na ito na ipinagbabawal ang online selling ng mga nasabing gamot, unless otherwise permitted by the FDA,” ayon kay Nograles.
Ang Carbocisteine ay mucolytic na nakatutulong upang ilabas ang plema habang ang paracetamol naman ay gamot para sa sakit ng katawan at lagnat.
Nakasaad sa memorandum na layon ng limitadong pagbili ang “prevent artificial shortage and price escalation of OTC (over-the-counter) flu medicines, and strictly ensure the availability of the same until such time that their supplies become stable”, wika ni Nograles.
- Latest