Nagpositibo sa COVID-19 Pharmally prexy na pinakulong ng senado, pinalaya
MANILA, Philippines — Pinalaya na ng senado si Pharmally Pharmaceutical Corporation president Twinkle Dargani upang kumpletuhin ang kanyang quarantine sa tahanan sa Taguig City, base kay Senate Sergeant-at-Arms Ret. Gen. Rene Samonte nitong Martes.
“Yes, [she] was released at 12:15 a.m… to be with her mother, with the understanding that she will be available when needed by the Senate. I was told they will proceed to the residence in [Bonifacio Global City], to complete her isolation and quarantine,” paglalahad ni Samonte.
Inaprubahan ni Senate President Vicente Sotto III nitong Lunes ang pagpapalaya kay Dargani mula sa senado matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) at kasalukuyang nasa pangangalaga ng kanyang ina na si Deepa Dargani.
- Latest