^

Police Metro

SSDD ng Quezon City nakapagserbisyo ng 200K residente kada taon

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinatayang umaabot sa 200,000 residente ng Quezon City ang naserbisyuhan ng Social Services Development Department (SSDD) tulad na rin  sa nagdaang dalawang taon sa ilalim ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Ayon kay Marisse Casabuena, Division  Head ng SSDD lahat ng mga pangangailangan tulad ng gamot,  tirahan, pinansiyal na tulong ay naibigay ng  city government sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte.

Sinabi ni Casabuena na  simula noong 2019 ay nadagdagan ni Mayor Belmonte ang mga halagang itinutulong sa mga residenteng lumalapit sa kanilang tanggapan.

Ang dating P3,000 ibinibigay sa mga maralitang taga-lungsod na na­ngangailangan ng pambili ng gamot sa matinding karamdaman ay nasa P5,000 hanggang P10,000 na at depende sa antas ng sakit at kalagayan sa buhay ng nangangailangan.

Upang mapabilis ang pamimigay ng tulong sa mga agarang nanganga­ilangan nito, minabuti ni Mayor Belmonte na magtalaga ng mga ‘action officer’ sa kada distrito ng lungsod upang sila mismo ang aagapay sa mga maralitang taga-lungsod sa oras ng anuman nilang pangangailangan.

vuukle comment

SOCIAL SERVICES DEVELOPMENT DEPARTMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with