‘Massage Girl’ na quarantine violator din, kakasuhan ng PNP
MANILA, Philippines — Maghahain ng kaso ang Philippine National Police laban sa isa pang babaeng lumabag sa COVID-19 quarantine protocols kung mapatutunayan ang insidente.
Ito ang sinabi ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos makaraang piliin nitong manatili sa condominium unit kaysa sa quarantine hotel.
Tinawag naman itong ‘Massage Girl’ dahil sa nagbahagi pa ito ng larawan niya sa online habang nagpapamasahe na dapat sana ay naka-quarantine.
“This is now being looked at. This is now being investigated. Once we find a probable cause, we will file cases against this violator, because this has been posted on social media, [and she was] bragging about it,” ani Carlos.
- Latest