^

Police Metro

9 Bokal kakasuhan ng plunder ang mga opisyales ng lalawigan ng Quezon

Tony Sandoval - Pang-masa
9 Bokal kakasuhan ng plunder ang mga opisyales ng lalawigan ng Quezon
Ayon sa siyam na miyembro ng Sanggunian sa pangunguna ni Majority Leader Bokal Sonny Ubana, gagawin nila ang pagsasampa ng kaso sa hukuman laban kina Gov. Danilo Suarez at mga department heads ng kapitolyo sa oras na gamitin ng mga ito ang annual budget kahit hindi pa nariresolba sa hukuman ang usapin hinggil dito.
File

MANILA, Philippines — Kung sakaling ituloy ng mga ito ang pagpapalabas at paggamit sa 2021 Annual Budget ng probinsya ay maghaharap ng kasong pandarambong ang siyam na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon laban sa mga opisyales ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ayon sa siyam na miyembro ng Sanggunian sa pangunguna ni Majority Leader Bokal Sonny Ubana, gagawin nila ang pagsasampa ng kaso sa hukuman laban kina Gov. Danilo Suarez at mga department heads ng kapitolyo sa oras na gamitin ng mga ito ang annual budget kahit hindi pa nariresolba sa hukuman ang usapin hinggil dito.

Matatandaan na ang panukalang 2021 Annual Budget ay hindi inaprubahan ng mga bumubuo ng Majority Bloc ng panlalawigang konseho dahil sa anila’y pagiging depektibo at kwestyunable nito.

Gayunman, kamakailan lamang ay inaprubahan din ito ng apat na mga Bokal na bumubuo ng Minority Bloc sa isang special session makaraan na ang walong Bokal ay sinuspinde ng Office of the President sa pamamagitan ng Depertment of Interior and Local Government o DILG.

Bilang reaksiyon, ang mga nasuspindeng Bokal ay nagharap ng petition sa husgado dahil sa anila’y ilegal na pagdadaos ng dalawang special session ng apat na Bokal at ng Vice- Governor at ilegal na pag-aapruba ng mga ito sa annual budget para sa 2021 at 2022.

Subalit, sa kabila nito ay  pinaninindigan umano ng gobernador na legal ang ginawa ng mga kaalyado niya sa konseho na agad din nag-anunsyo sa publiko na itutuloy niya ang paggamit sa pondo at nangako sa mga kinauukulan na kanila na itong mapapakinabangan sa lalong madaling panahon.

 

PLUNDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with