^

Police Metro

Panukalang ‘menu labelling’ sa mga restoran, isinalang sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang panukalang batas ang tinalakay sa House Committee on Health na nag-uutos  sa mga food service establishments o restoran ang pagpapakita ng mga nutritional information na tinataglay ng kanilang mga tindang pagkain.

Ang panukala ay nag­lalayong maiwasan ang obesity o ang kondisyon kung saan sobra ang taba sa katawan ng isang tao at ang pagkain ng nakasasama sa kalusugan ay dininig sa pangunguna ni Quezon 4th District Representative Angelina “Helen” Tan. Sinabi ni Tan na Chairperson ng Committee on Health na  ang mga panukalang ipakita ang calorie at nutritional information ay tumutugon sa pangangailangan para sa komprehensibong paraan upang tiyakin na ang lahat ng Pilipino ay maalam ukol sa kanilang kalusugan at nabibigyan ng malusog na pamumuhay sang-ayon sa pagbibigay ng Kalusugang Pangkalahatan o Universal Health Care.

Binigyang diin sa pagdinig ang kahalagahan ng pagpapakita ng mga nutritional information na tinataglay ng mga tindang pagkain na inaasahang magbibigay ng mas matalino at malusog na food choices sa publiko at magsusulong ng kaalaman ukol sa kalusugan at tamang pagbabawas ng timbang.

Ito rin ay makakatulong sa mga mamimili sa pag-monitor ng kanilang ­diyeta o pagtugon sa kanilang chronic diseases tulad ng sakit sa puso at diabetes.

MENU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with