^

Police Metro

Minors puwede nang sumakay sa MRT-3

Mer Layson - Pang-masa

‘Pag may kasamang matanda

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagpapatupad ng alert level 2 sa Metro Manila, inihayag ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na pinapayagan na nilang sumakay sa kanilang mga tren ang mga batang may edad 18-anyos pababa na may kasamang matanda o guardian.

Ayon sa MRT-3, maaaring makasakay ang mga bata hangga’t kasama ang kanilang guardian sa priority section ng tren ng MRT-3.

Samantala, tuluy-tuloy rin anila ang implementasyon ng 70% passenger capacity sa mga tren ng MRT-3, kasabay ng mahigpit na pagpapatupad ng minimum public health and safety protocols sa buong linya.

Pinamamahalaan ng mga train at platform marshals ang pagpapatupad ng wastong kapasidad sa mga tren. Sila rin ang tumitiyak na nasusunod ang 7 Commandments laban sa COVID-19, kabilang na ang laging magsuot ng face mask at face shield; pagbabawal magsalita at makipag-usap sa telepono;  bawal kumain; laging pagpapanatili ng maayos at sapat na ventilation sa mga pampublikong transportasyon; laging magsagawa ng disinfection; pagbabawal na pagsakay ng mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19; at palaging sundin ang panuntunan sa physical distancing.

Matatandaang iniak­yat na ang kapasidad ng mga tren tungong 70% simula noong Nobyembre 4, 2021. Katumbas ito ng 276 na pasahero kada bagon o 827 pasahero kada train set.

METRO RAIL TRANSIT LINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with