P800K smuggled na sibuyas, nasabat
MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa pagsalakay sa ilang bodega sa Tondo, Maynila kamakailan ang nasa P800,000 halaga ng mga sibuyas na hinihinalang ipinuslit sa bansa.
Sa ulat ng BOC kahapon, nag-inspeksyon ang Customs Intelligence and Investigation Service Field Office-Intelligence Property Rights Division (CIIS-IPRD), BOC-Port of Manila (POM) at ng National Bureau of Investigation ang mga bodega sa may Carmen Planas Street sa Tondo nitong Oktubre 25.
Dala ng mga otoridad sa bisa ng Letter of Authority (LOA) mula kay Commissioner Rey Leonardo Guerrero ay nadiskubre ang saku-sakong mga imported na sibuyas na walang kaukulang Sanitary and Phytosanitary Import Clearances (SPSIC) at iba pang dokumento.
Naglabas ang BOC ng warrant of seizure sa kontrabando dahil sa paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 (RA 10845), Intellectual Property Code of the Philippines (RA 9283), at sa Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863).
- Latest