Grupo ng mayoralty bet sa Maguindanao na nahulihan ng P5 milyong shabu,
MANILA, Philippines — Iimbestigahan ng PNP ang grupo ng isang kandidato sa pagka-mayor na inaresto dahil sa kinasasangkutan nitong iligal na aktibidad ng droga sa Midsayap, North Cotabato.
Sinabi ni PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar na ikinasa ito para matunton ang kinaroroonan ng iligal na aktibidad na kinasangkutan ni Tom Nandang, 52-anyos na tumatakbo sa pagka-alkalde sa Northern Kabuntalan, Maguindanao.
“I am reiterating my warning against political aspirants with connections to criminal groups, you will be arrested. The PNP will stop you from using your guns and goons to try to steal the elections from our kababayan,” ayon kay Eleazar.
Nahuli si Nandang ng ilang miyembro ng pulis, militar at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bisa ng search warrant operation sa Barangay Upper Glad 1 bandang alas-4:00 ng madaling araw, noong Huwebes.
Nasamsam kay Nandang ang 10 pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P5 milyon at isang 45 kalibre ng baril.
Nasa kustodiya na ng PDEA ang suspek at kinasuhan na dahil sa paglabag saComprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.-Doris Franche-
- Latest