^

Police Metro

Pagbukas ng BIA, hudyat ng mabilis na pagsulong ng Albay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magiging mabilis na ang pagsulong ng ekonomiya sa lalawigan ng Albay matapos ang pagbubukas ng kamakailan ng bagong Bicol International Airport (BIA).

Ayon kay House Ways and Means Committee chairman at Albay2nd District Rep. Joey Sarte Salceda na pinangunahan ni Pangulong Duterte ang pasinaya sa paunang gamit ng BIA at ika-7 naman ng Nob­yembre ay pasisimulana na ang paglipad ng eroplano.

Habang sa  Mayo 2022 ay pasisimulan ang ‘international operations’ nito pagkatapos makumpleto ang pagsusuri ng International Civil Aviation Organization. 

“Magsisilbng pinakamalakas na tulak ang BIA sa amin tungo sa higit na masiglang ekonomiya. Maluwag nitong matatanggap ang 3,000 pasahero, kumpara sa 600  lamang sa Legazpi Domestic Airport.

Tinatayang mga dalawang milyong pasahero ang maseserbisyuhan ng BIA sa loob ng isang taon, na marami ay mga dayuhan,” wika ni Salceda.

BICOL INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with