Pinalusot na UP security bill, ‘patay’ na
MANILA, Philippines — Patay na at wala nang saysay ang isinulong na panukalang batas ng Makabayan Bloc na House Bill (HB) 10171 o ang University of the Philippines (UP) Security Act sa paghahain ng Motion for Reconsideration (MR) ni Cavite (7th District) Congressman Jesus Crispin “Boying” Remulla noong September 30, 2021.
Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi ni Remulla, Senior Deputy Majority Leader ng Committee on Rules ng Kongreso na ‘patay na” ang HB 10171 dahil ang 179 na mambabatas na nagsiboto rito noong una ay nagsiboto rin sa MR na inihain ng Representante ng Cavite.
“Tapos na. wala na. Kasi ni-reconsider na yan ng plenary.This goes back to the rules committee for our disposition. Kami na ang magsasabi kung iyan ay mabubuhay pa o papalusutin pa rin namin,” ani Remulla.
Isiniwalat din Remulla na “smuggled” ang pagkakasulong ng mga miyembro ng Makabayan Bloc sa panukalang batas nang isingit nila ito para sa ikatlo at pinal na pagpapasa bilang batas habang tinatalakay ng Kongreso ang budget ng pamahalaan para sa susunod na taon.
Kaya raw kanyang minarapat na ihain ang MR upang hindi maisabatas ito, na sinang-ayunan naman ng lahat ng 179 congressmen na unang nagsiboto rito.
Ani, Remulla kalokohan ang bill at lumalabag sa pagkakapantay-pantay. Dinagdag pa nito na ang kanyang mosyon ay pagtatama lamang na ang dating UP-Accord ng 1998, na pinawalang bisa na ng pamahalaan at ng administrasyong Duterte sa pamamagitan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, ay hindi man lamang nga naisabatas.
- Latest