^

Police Metro

Engineer dinakip sa pamemeke ng building permit!

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad sa isang entrapment ­operation ang isang lalaki na nagpapanggap na engineer dahil sa umano’y pamemeke ng building permit sa Pasig City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Jeremiah Orallo, 28, at residente ng 2-1 Westbank Road, Brgy. Maybunga, Pasig City.

Sa ulat ng Pasig City Police, alas-6:25 ng gabi nang maaresto ang suspek sa isang entrapment operation sa tapat ng isang convenience store na matatagpuan sa M.H Del Pilar St., kanto ng E. Angeles, sa Brgy. Santo Tomas.

Sa reklamo ng biktima na si Kriz Anne Lantan, 31, na naningil ng P328,000 kapalit nang mabilis na pagproseso ng building permit sa Pasig City LGU ang suspek.

Nagbigay naman ang biktima ng naturang halaga sa suspek ngunit pekeng permit ang ibinigay nito sa kanya kaya’t inireklamo niya ito hanggang sa maaresto ng mga otoridad.

ARRESTED

BUILDING PERMIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with