DPWH Region 1 pinarangalan bilang ‘Top Performing Unit’
MANILA, Philippines — Ginawaran bilang “Top Performing Unit” ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 1 na pinamumunuan ni Regional Director Ronnel M. Tan (RD Tan) sa isinagawang DPWH Unified Directors’ Meeting nitong Biyernes.
Ang paghakot ng parangal ng DPWH Region 1 ay base sa pinakabagong datos na inilabas ng kagawaran na mga performances ng kanilang mga tanggapan nitong huling bahagi ng buwan ng Agosto 2021.
Magkabilang papuri ang natanggap ni RD Tan mula sa iba’t ibang mga sektor lalo na kay DPWH Secretary Mark Villar na nagsabi na ang tagumpay ng DPWH Region 1 ay isang patunay sa dedikasyon sa serbisyo at galing sa pamamahala ng direktor kasama ang lahat ng bumubuo ng kanyang tanggapan.
Batay sa inilabas na datos, nahigitan ng DPWH Region 1 ang target nitong 87% Absortive Capacity o ang tamang paglaan o paggamit ng budget sa ilalim ng 2021 General Approciation Act na nakalaan sa kagawaran habang umabot naman ng 97% ang kabuuang performance rating nito.
Nanguna rin ang DPWH Region 1 sa wasto at mabilis na paglalaan ng pondo sa unang bahagi ng taong 2021 na nakamit sa pamamagitan ng mabilis pamamahagi ng pondo sa mga isinasagawang proyekto.
- Latest