^

Police Metro

Radio-base learning system inilunsad sa Albay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magkakaroon na ng isang ‘distance lear­ning system’ sa Albay na nakabase sa radio broadcasting na lubhang na kailangan at malaki ang maitutulong dahilan sa banta ng panganib dulot ng pandemya ng COVID-19.

Ito ay matapos na ilun­sad kamakalawa ng The Albay Youth Organizations Inc . (TAYO), Department of Education (DepED) at United States Agency for International Development (USAID) ang ‘2D Module Le­gends-2D On-Air Lea­ring Project’.

Ayon kay House Com­mittee on Ways and Means Chairman at 2nd District Albay Rep. Joey Salceda, ang nasabing proyekto ay magkatulong na isinusulong ng mga institusyong lokal, pambansa at internasyunal. 

Sinusuportahan din ang proyektong Module Le­gends ng tanggapan ni Salceda na namahagi ng 1,500 ‘radio sets’ nang ilunsad ito kung saan nilagdaan ang isang ‘Memorandum of Agreement’ (MOA) kaugnay ng proyekto.

Nilalayon din ng pro­yektong Module Legends ang lumikha at mag-ere ng mga ‘broadcast learning modules’ sa pamamagitan ng mga lokal na himpilan ng radio na suportado ng Bicol University, DepEd Division Offices sa Albay at Legazpi City, at ng Youth Development Alliance (YDA).

Binigyang diin ni Salceda na mahalaga at kapaki-pakinabang ang naturang proyekto dahil nananatiling mabisa ang radyo bilang instrumento ng komunikasyon sa Albay.

LEARNING SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with