^

Police Metro

Paglobo ng kabataan na maagang nabubuntis, ikinabahala

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang paglobo ng bilang ng mga batang babaeng nagkakaedad 10-14 anyos na maagang nabubuntis at maagang nagpapakasal sa bansa.

Ayon kay Anak Mindanao Rep. Amihilda Sangcopan, upang matugunan ang problema ay  kinakailangang maging puspusan ang kampanya ng pamahalaan hingggil sa  ‘puberty, reproduction, relationships, sexuality, at maging sa tinatawag na unsafe sex’.

Binigyang diin ni Sangcopan na ang usaping ito ay maituturing na “national social emergency”na dapat kagyat na tugunan ng pamahalaan.

Muling nanawagan ang lady solon na ipasa na ang mga panukalang nakabinbin sa Kongreso upang mapigilan ang maagang pagbubuntis, pagiging batang ina at maagang pag-aasawa ng mga kabataan.

BUNTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with