Bicol International Airport malapit nang matapos
MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda sina Pangulong Rodrigo Duterte at Transportation Secretary Art Tugade sa pagbibigay ng katuparan sa matagal ng pangarap ng mga Bikolano ang P4.7 bilyong Bicol International Airport (BIA) sa Daraga, Albay na malapit nang matapos.
Si Salceda, na House Ways and Means Committee chairman, ang nagpasimula sa proyekto mahigit isang dekada na ang nakaraan na kung saan ay itinatatag sa isang mataas na kapatagan na ligtas sa baha sa Barangay Alobo ng bayang ito.
Mamamalas mula sa BIA ang buong alindog ng Mayon Volcano at ang magandang kaganapan ng Metro Legaspi kaya itinuturing itong susi sa malagong turismo sa Kabikulan.
Pinangunahan ni Secretary Tugade ang ‘test commercial flight’ sa BIA, kasama ang mga opisyal ng DOTr at mga ‘safety officer personnel’ ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong nakaraang Hulyo 30 na inaasahang matatapos ang pasilidad bago matapos ang 2021 at ang ganap na buong operasyon nito sa 2022.
- Latest