NDF matagal nang markadong terorista — Esperon
MANILA, Philippines — “Matagal nang markado ng pamahalaan ang National Democratic Front (NDF) na organisasyon ng mga terorista kasama ang Communist Terrorist Groups (CTGs) na Communist Party of the Philippines New People’s Army (CPP-NPA).
Ito ang tahasang sinabi ni National Security Adviser Sec. Hermogenes Esperon Jr., sa balitaan ng NTF-ELCAC.
Sinabi ni Esperon na matagal nang gumagalaw ang NDF at nagpapanggap na legal sa publiko, ngunit sa katotohanan sila ang nagpoprotekta sa nagiging source ng recruitments.
Ani Esperon, inamin din ni NDF founding chairman Jose Maria Sison noong April 23 sa kanilang anibersaryo ang mga affiliated organizations kung saan 18 dito ay underground mass organizations na nagpapatakbo ng mga front organizations.
Inamin din umano ni Sison na plinano nilang pabagsakin ang pamahalaan sa tulong ng mga organisasyong tulad ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Kilusang Mayo Uno (KMU), Alliance of Concerned Teachers (ACT), at GABRIELA.
Sinabi naman ni Dir. Gen. Alex Monteagudo ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na sa deklarasyon ng ATC na isa ng teroristang organisasyon ang NDF kaya’t maaari nang gawin ng pamahalaan ang pagpi-freeze ng mga assets sa pamamagitan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
- Latest