Pekeng COVID-19 test results gamit ng sindikato, nabuko
MANILA, Philippines — Upang iligal na makapagpalabas ng bansa ng mga Pinoy workers patungo sa Gitnang Silangan ay gumagamit ang sindikato ng human trafficking ng pekeng COVID-19 test results.
Ito ay matapos masabat ng immigration officers at tauhan ng NBI-International Airport Investigation Division (IAID) ang isang Household Service Workers (HSWs) na itinago ang pagkakakilanlan sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 noong Hunyo 22.
Kaya’t umalerto ngayon ang Bureau of Immigration (BI) at NBI sa modus ng paggamit ng pekeng COVID-19 RT-PCR test results.
Hinarang ng mga immigration officers ang suspek dahil sa kahina-hinalang mga dokumento at nang isailalim sa imbestigasyon ng NBI-IAID ay dito natuklasan na peke rin ang ipinakita niyang COVID-19 test results dahil sa wala siyang rekord buhat sa Chinese General Hospital.
Nitong Hunyo 26 naman nang masabat sa NAIA Terminal 3 ang dalawa pang Pinay na magtatrabaho sana bilang domestic helper sa Saudi Arabia na kapwa menor-de-edad.
Pinapayagan lamang na makapagtrabaho bilang HSWs ang mga nasa edad higit 23-anyos.
- Latest