3 pang barangay chairman, iimbestigahan sa paglabag sa mass gathering
MANILA, Philippines — Tatlo pang barangay chairman ang nakatakdang imbestigahan ng DILG sa paglabag sa mga prohibisyon laban sa mass gathering sa kani-kanilang lugar.
Kinilala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año, ang mga chairman na PB Ireneo H. Cabahug ng Barangay Matabungkay, Lian, Batangas; PB Bobby Daquioag ng San Mariano, Sta. Marcela, Apayao; at PB Franklyn O. Ong ng Kasambangan, Cebu City.
Si Cabahug ay iniimbestigahan kung bakit nabigo siyang ipatupad ang minimum public health standards (MPHS) sa mga turista na hindi nag-obserba ng physical distancing at hindi nagsuot ng face masks habang nasa isang beach resort sa Barangay Matabungkay.
Si Daquioag naman ay nalagay sa hot water nang dumalo sa isang kasal at reception sa San Mariano, Apayao noong panahong ang kanilang lugar ay nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
Habang si Ong ay iniimbestigahan dahil sa dalawang magkahiwalay na insidente nang paglabag sa physical distancing sa dalawang coffee shop sa Kasambangan, Cebu City.
- Latest