^

Police Metro

NCR Plus ‘di pa handa sa MGCQ

Malou Escudero - Pang-masa
NCR Plus ‘di pa handa sa MGCQ
“Sa tingin ko po, hindi pa pupuwedeng mag-MGCQ. Dahil bagama’t bumaba na po ang ating reproductive r ate, bumaba po ang ating healthcare utilization rate at hindi nga po siya even moderate risk ‘no, no risk at all. Ang problema po, mataas pa rin iyong actual numbers, hindi pa po tayo nakaka­balik doon sa mga numero natin bago pumasok ang mga new variants,” ani presidential spokesperson H
STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Dahil mataas pa rin ang aktuwal na bilang ng may COVID-19 kung kaya hindi pa maaaring ilagay sa pinakamaluwag na modified general community quarantine (MGCQ) ang National Capital Region (NCR) Plus.

“Sa tingin ko po, hindi pa pupuwedeng mag-MGCQ. Dahil bagama’t bumaba na po ang ating reproductive r ate, bumaba po ang ating healthcare utilization rate at hindi nga po siya even moderate risk ‘no, no risk at all. Ang problema po, mataas pa rin iyong actual numbers, hindi pa po tayo nakaka­balik doon sa mga numero natin bago pumasok ang mga new variants,” ani presidential spokesperson Harry Roque.

Ipinaliwanag pa ni Roque na bago pumasok ang mga new variants ay nasa 1,000 kada araw lang ang napapadagdag na bilang ng may CO­VID-19 at hindi pa muling bumababa sa nasabing bilang ang mga nahahawa ng virus.

Naniniwala si Roque na puwedeng ilagay na lamang sa ordinaryong ge­neral community quarantine ang NCR Plus na nakatakdang pag-usapan ng Inter-Agency Task Force ang pinal na rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.

vuukle comment

MGCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with