^

Police Metro

8 barangay Chairman kakasuhan sa mass gathering

Mer Layson - Pang-masa
8 barangay Chairman kakasuhan sa mass gathering
Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, ang mga kakasuhang punong barangay ay sina Romeo Rivera ng Barangay 171, District II, Caloocan City; Ernan Perez ng Barangay San Jose, Navotas City; Facipico Jeronimo at Jaime Laurente ng Barangays 181 at 182 ng Gagalangin, Tondo, Manila; Marcial Lucas Palad ng Barangay Matiktik, Norzagaray, Bulacan; Jason Talipan at Jimmy Solano ng Barangay Balabag, Boracay Island at Barangay Sambiray, Malay, Aklan; at, Jessica Cadungong ng Barangay Kamputhaw, Cebu City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nakatakdang sampahan ng Depart­ment of the Interior and Local Go­vern­ment (DILG) ang walong kapi­tan ng barangay matapos na mabi­gong pigilan ang pagdaraos ng mass gathe­rings, na itinuturing na ‘super sprea­der events’, sa kani-kanilang nasa­sakupan at nagresulta upang mag­­karoon ng COVID-19 transmissions doon.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, ang mga kakasuhang punong barangay ay sina Romeo Rivera ng Barangay 171, District II, Caloocan City; Ernan Perez ng Barangay San Jose, Navotas City; Facipico Jeronimo at Jaime Laurente ng Barangays 181 at 182 ng Gagalangin, Tondo, Manila; Marcial Lucas Palad ng Barangay Matiktik, Norzagaray, Bulacan; Jason Talipan at Jimmy Solano ng Barangay Balabag, Boracay Island at Barangay Sambiray, Malay, Aklan; at, Jessica Cadungong ng Barangay Kamputhaw, Cebu City.

Aniya, ang mga ito ay mahaharap sa mga kasong gross neglect of duty, negligence, serious misconduct, at paglabag sa Republic Act No. 11332 o mas kilala sa tawag na Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Sinabi ng kalihim na ang mga naturang punong barangay ay nagkaroon ng kapabayaan sa kanilang tungkulin na magpatupad ng quarantine protocols sa super spreader events sa Gubat sa Ciudad incident sa Barangay 171, Caloocan City; recreational at resort operations sa San Jose, Navotas City; boxing matches sa Barangay 181 at 182 sa Tondo, Manila; Bakas River event sa Barangay Matiktik, Norzagaray, Bulacan; Barangay Balabag, Boracay Island at Barangay Sambiray, Malay, Aklan; at Club Holic Bar at Restaurant, sa Barangay Kamputhaw, Cebu City.

MASS GATHERING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with