^

Police Metro

Karapatang pantao ng maaarestong quarantine violators, tiniyak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni PNP Chief, General Guillermo  Lorenzo Eleazar na igagalang ng mga pulis ang karapatang pantao ng  mga maaarestong  quarantine violators kaugnay ng mahigpit na pagpapatupad ng safety and healthy protocols dulot ng COVID-19 pandemic.

Una rito, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga law enforcers na arestuhin ang mga hindi nagsusuot ng face masks at maging ang mga mali ang pagsusuot nito sa mga pampublikong lugar.

Kamakailan lamang ay iniutos din ni Pangulong Duterte sa mga law enforces na maging ang mga Brgy. Chairman na mabibigong ipatupad ang quarantine protocols sa kanilang mga nasasakupang lugar. 

Ito’y matapos namang magkaroon ng mga pagtitipon kabilang ang mga party at inuman sa Metro Manila gayundin sa iba pang mga lugar.

Reaksyon ito ni Elea­zar, matapos namang magpahayag ng pagkabahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa aktibong pag-aresto ng mga pulis ngayong pandemya sa mga qua­rantine violators kabilang ang mga Brgy. Chairman sa iba’t-ibang panig ng bansa.

“I would like to assure the CHR that our personnel are aware of their accountability and responsibility to always abide by police operating procedures and uphold human rights in their ope­rations.

May mga mekanismo po kaming nakalatag upang masigurong nasusunod po ng ating kapulisan ang mga protocols,” pahayag ni Eleazar.

GUILLERMO ELEAZAR

QUARANTINE VIOLATORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with