Kelot malapitang niratrat sa ulo ng drug pusher
MANILA, Philippines — Isang 22-anyos na binata ang nasawi nang malapitang paputukan ng ilang ulit sa ulo ng isang drug personality sa Vitas, Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang nasawing biktima na si Miguelo Blaco y Kasim, residente ng 1-D compound, Block 6, Vitas, Tondo.
Tumakas naman ang suspek na kinilalang si Melvin Garcia, 30, jobless, ng Mel Lopez Boulevard (tabing-ilog), Barangay 101,Vitas, Tondo.
Sa ulat, alas-2:15 ng hapon ng Linggo (Mayo 9) nang biglang paputukan ng ilang beses ang biktima sa ulo na kagyat na ikinasawi nito.
Ayon sa saksi, nakitang nag-uusap ang biktima at suspek sa R-10 katuparan, Brgy. 101, Zone 8, Vitas, Tondo, alas 2:15 ng hapon ng Linggo (Mayo 9) nang biglang paputukan ng ilang beses sa ulo na kagyat na ikinasawi nito.
Nabatid na ang suspek ay kilalang street level drug pusher at nasa drug watchlist ng Brgy. 101, Zone 8, District 1, Vitas, Tondo.
- Latest