^

Police Metro

Seaman namatay habang naka-quarantine

Danilo Garcia - Pang-masa
Seaman namatay habang naka-quarantine
Kinilala ang nasawi na si Marlonn Regalado, 41, tauhan ng Philippine Transmarine Carriers Inc. at residente ng Tanauan, Batangas.
PSN/File

MANILA, Philippines — Palaisipan ngayon ang pagkasawi ng isang seaman na negatibo sa CO­VID-19 test nang matagpuan ang bangkay sa loob ng inookupang kuwarto sa isang quarantine hotel sa Paco, Maynila noong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Marlonn Regalado, 41, tauhan ng Philippine Transmarine Carriers Inc. at residente ng Tanauan, Batangas.

Sa ulat ng Manila Police District, dumating sa Pilipinas si Regalado noong Abril 25 at sumailalim sa isolation sa qua­rantine hotel sa may Paco kasama ang mga kapwa seaman.  

Lumabas naman ang resulta ng kaniyang RT-PCR swab test nitong Mayo 2 at nagnegatibo sa COVID-19.  Kahit na negatibo, tuloy pa rin ang isolation ni Regalado bilang pagsunod sa protocols ng pamahalaan.

Hahatiran naman siya ng almusal ng room attendant ng hotel nitong Miyerkules ng umaga nang mapansin na bahagyang nakabukas ang pinto ng kuwarto.  Dumiretso na siya sa loob at tinangkang gisingin si Regalado ngunit hindi ito tumutugon at napansin niya na hindi na humihinga kaya agad siyang humingi ng saklolo sa mga kasamahan.

Sa pagsusuri ng pulisya sa kuwarto, natagpuan ang isang nebulizer sa ibabaw ng kama ng biktima.  Wala ring nakitang indikasyon ng foul play dahil sa maa­yos ang silid.  

Dinala na ang labi ng biktima sa Cruz Funeral Homes para sa awtopsiya habang pinasasabihan na ang kaniyang mga kapamil­ya ukol  sa naturang pangyayari.

PATAY

SEAMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with