^

Police Metro

‘Wag maging bastos sa China — Duterte

Malou Escudero - Pang-masa
‘Wag maging bastos sa China — Duterte
“China remains to be our benefactor and just because --- if I may just add something to the narrative --- just because we have a conflict with China does not mean to say that we have to be rude and disrespectful,” ani Duterte.

MANILA, Philippines — Matapos ang ginawang tahasang pagmumura at pagpapalayas ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. sa mga Chinese ships sa West Philippine Sea (WPS), inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag maging bastos sa China.

Ayon sa Pangulo, nananatiling benefactor ng Pilipinas ang China kaya hindi dapat bastusin at maging walang galang.

“China remains to be our benefactor and just because --- if I may just add something to the narrative --- just because we have a conflict with China does not mean to say that we have to be rude and disrespectful,” ani Duterte.

Sinabi ni Duterte na kahit pa may “conflict” ang Pilipinas at China, hindi ito dahilan para maging bastos at “disrespectful” ang mga Filipino.

Sinabi rin ni Duterte na kung tutuusin ay napa­karaming dapat ipagpasa­lamat ng Pilipinas sa China dahil sa mga nakaraang pagtulong nito.

“As a matter of fact, we have many things to thank China for the help in the past and itong mga tulong nila ngayon,” ani Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na ipinarating na niya sa presidente ng China na si Xi Jinping ang pag-iingay nina retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario tungkol sa isyu ng WPS.

Sinabi umano ni Xi Jinping na ang dalawang opisyal ang nagregalo sa kanila ng mga isla ng Pilipins.

“China, I know President Xi Jinping, because I was blunt in my --- unang kita namin sinabi ko na kaagad about our resources diyan sa West Philippine Sea. Sabi ko alam ko na may dalawang taong maingay. Sabi nga ni Xi Jinping na ah alam namin. Iyong ‘yong dalawang si Albert pati si Carpio ang nagregalo sa amin niyang mga islands mo eh. Niregalo, namimigay ang mga p*****. Tapos you have the temerity to blame anybody for your --- in diplomatic term ‘faux pas’,” ani Duterte.

TEODORO LOCSIN JR

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with