^

Police Metro

‘Blended learning’ nakakaapekto sa isip at kalusugan ng mga guro

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lumalabas sa isang survey na malaking porsyento ng mga guro ang nagsabing nakakaapekto sa kanilang kaisipan at pisikal na kalusugan ang “blended learning”.

Nabatid sa online survey na isinagawa ng Alliance of Concerned Teachers, lumilitaw na mahigit 70% ng mga respondents na guro ay umaming may negatibong epekto sa kanila ang napakaraming workload sa distance learning. Samantalang nasa 10% ang umaming nagkakasakit na sila dahil sa nasabing sistema at mas mabigat na tungkulin sa nabagong sistema ng pagtuturo sa kanilang mga estudyante.

Bunsod nito, naalarma si Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro sa isyu ng “blended learning” sa bansa sa gitna ng pandemya na dulot ng COVID-19.

 “Teachers are our education frontliners. The administration must also prioritize addressing the serious labor situation of public school teachers and must be given due consi­deration in their planning for the opening of the next school year,” ayon kay Castro.

  Ayon kay Castro, nakatanggap rin sila ng mga report na dumaranas ng matinding hypertensiyon, sobrang stress, kulang sa pahinga, panlalabo ng mga mata, pananakit ng mga muscle, pamamanhid ng mga kamay, pananakit ng likod at depresyon ang mga gupo dahilan sa sobrang dami ng trabaho sa blended learning bukod pa sa kulang ang kanilang suweldo. Samantalang obligado rin ang mga guro na magsumite ng mas maraming report sa implementasyon ng distance learning alinsunod sa kautusan ng DepEd.

Idinagdag pa ni Castro na dahilan sa pagpapalawig ng school year ay mapipilitan ang mga guro na mag-overtime ng 77 araw para sa taong ito kung saan nagtrabaho ang mga ito ng 13 buwan na walang summer break bukod pa sa hindi nababayarang overtime pay.

BLENDED LEARNING

TEACHER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with