^

Police Metro

Locsin sa China: ‘Umalis kayo dyan’

Gemma Garcia - Pang-masa
Locsin sa China: ‘Umalis kayo dyan’
Sa Twitter post ni Locsin sinabi nito na “China, my friend, how politely can I put it? Let me see...O Get the f---out. What are You doing to our friendship? You . Not us. We’re trying. You. You’re like an ugly of forcing your attentions on a handsome guy who wants to be a friend; not to father a Chinese province.”

MANILA, Philippines — Kasunod ng panibagong diplomatic protest ng Pilipinas laban sa panggigipit ng China, pinalalayas na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, ang mga Chinese na nananatili pa rin sa kanilang mga barko sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Sa Twitter post ni Locsin sinabi nito na “China, my friend, how politely can I put it? Let me see...O Get the f---out. What are You doing to our friendship? You . Not us. We’re trying. You. You’re like an ugly of forcing your attentions on a handsome guy who wants to be a friend; not to father a Chinese province.”

Ang post ng kalihim ay ginawa matapos ang panibagong diplomatic protest ng gobyerno laban sa China dahil sa tila pagsita nito sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagpapatrolya at nagsasagawa ng training exercises sa paligid ng Scarborough Shoal at Bajo de Masinloc.

Matatandaan na nagsagawa ng training exercises ang PCG at Bureau of Fisheries and Aqua­tic Resources (BFAR) noong Abril 24 at 25 sa nasabing karagatan.

Nilinaw ng DFA na maaaring magsagawa ng maritime patrols at trai­ning exercises sa nasabing area ang Pilipinas dahil bahagi ito ng Kala­yaan Island Group (KIG) sa South China Sea.

Iginiit pa ng DFA na walang karapatan ang China na magpatupad ng kanilang batas sa pinag-aagawang teritoryo.

TEODORO LOCSIN JR

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with