^

Police Metro

Mahal na elektrisidad sa Mindanao, dahil sa coal

Pang-masa
Mahal na elektrisidad sa Mindanao, dahil sa coal
Nabatid na may total 1.837 GW kapasidad ng karbon ang kasalukuyang naka-install sa rehiyon kung saan apat sa limang coal power plants ang pumasok lang sa ­operasyon sa komersyo mula 2015 hanggang sa kasalukuyan.
Pexels via Pixabay

MANILA, Philippines — Tinutulan ng grupong coalition of consumers and clean energy advocates nationwide, ang mabilis na pagpapalawak ng “coal fleet” sa Mindanao, dahil bukod sa napakamahal ay hindi solusyon sa panga­ngailangan ng kuryente sa rehiyon, at pagmumulan pa umano ng maraming problema sa mga residente sa lalawigan.

Sa virtual briefing ni Finance Secretary Carlos Dominguez, sinabi nito na ginalugad ng pamahalaan ang coal-fired power plants sa Mindanao at kinalaunan ay ipinasara upang pagbutihin ang kapasidad ng ge­neration ng Agus Pulangi Hydro power plants.

“We welcome this discourse on moving towards a future where Mindanao rids itself of coal, as people have already suffered much from its proliferation,” ayon kay clean ­energy and consu­mers rights group Power for People Coalition (P4P) Convenor Gerry Arances.

Nabatid na may total 1.837 GW kapasidad ng karbon ang kasalukuyang naka-install sa rehiyon kung saan apat sa limang coal power plants ang pumasok lang sa ­operasyon sa komersyo mula 2015 hanggang sa kasalukuyan.

Binigyang diin pa ng grupo na kanilang ipagpapatuloy na itulak ang pagpapalawak sa rene­wable energy technologies sa Mindanao.

COAL

ELEKTRISIDAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with