Sandra Cam, anak swak sa Masbate vice-mayor slay
MANILA, Philippines — Matapos makitaan ng probable cause, sinampahan ng kasong murder ng Department of Justice (DOJ) si Philippine Charity Sweepstakes Office board member Sandra Cam at kanyang anak na lalaki na si Marcon Martin kaugnay ng pagpaslang kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III noong 2019.
Natagpuang may “probable cause” para sampahan si Cam at anak niyang si Marcon Martin sa pagpaslang kay Yuson. Isinasangkot rin sila sa bigong pagpaslang kay Alberto Alforte IV.
Kabilang pa sa mga sinampahan ng kaso sina Nelson Cambaya; June Gomez; Bradford Solis; Juanito De Luna; at Rigor Dela Cruz.
Sa rekord, nag-aalmusal si Yuson kasama sina Wilfredo Pineda at Alforte sa Sampaloc, Maynila noong Oktubre 10, 2019 nang pagbabarilin sila na nagresulta sa pagkasawi ng bise-alkalde.
Itinuro naman ng misis ni Yuson na si Lalaine si Cam na siyang utak ng pagpaslang dahil umano sa politika. Ito ay makaraang manalo si Yuson sa halalan laban sa anak ni Cam na si Martin. Sinabi ng misis na unang nakita ang mga gunmen sa resort ni Cam sa Masbate.
Itinanggi naman ni Cam ang mga akusasyon at nagsampa pa ng kasong libelo laban kay Lalaine sa korte.
- Latest