^

Police Metro

2 patay,13 naospital sa kinaing pansit at kamoteng kahoy

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang nasawi habang 13 iba pa ang dinala sa ospital matapos umanong malason sa kinaing pansit at kamoteng kahoy sa Brgy. Bigaas, Calabang, Camarines Sur, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Maritess Arias, nasa hustong gulang; at Marco Ebareta Buenafe, 10.

Bago nangyari ang insidente ay nagkaroon nang piknik ang magkakamag-anak na Buenafe at mga kapitbahay na kung saan ay pinagsaluhan ang nilutong pansit at kamoteng-kahoy.

Ilang oras ang nakakalipas matapos kumain ay sumakit ang ulo at tiyan, nilagnat at nagsusuka ang labing-limang biktima kabilang ang 4 buwang sanggol na unang isinugod sa Calabanga Rural Health Unit, at dahil delikado ang mga lagay ay inilipat ang mga ito sa NICC Hospital sa Naga City.

Namatay habang ginagamot sina Buenafe at si Arias.

Patuloy ang imbestigasyon kung ang pansit o kamoteng kahoy ang nakalason sa mga biktima.

vuukle comment

LASON

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with