^

Police Metro

34 barangay sa Maynila ‘di nagsumite ng list para sa ayuda

Ludy Bermudo - Pang-masa

Mga residente ‘nganga’

MANILA, Philippines — May 34 barangay sa lungsod ang hindi nagsumite ng listahan sa Manila Department of Social Welfare (MDSW) na dapat mabigyan ng ayuda o special amelioration program (SAP) mula sa national government.

Ito ang ibinunyag kahapon ni Manila Mayor Isko Moreno, kasabay ng kanyang pagkadismaya sa mga barangay chairman na mistulang walang malasakit sa nasasakupan, habang ang karamihan naman ay pina­salamatan sa pagtugon sa kinakailangang lis­tahan para agad na maiproseso ang pondong ipapa­mahagi.

Ani Moreno, ang  MDSW sa pamumuno ni Re Fugoso ay nag-o-overtime para lang maipamahagi ang  SAP sa mas maraming recipients sa mabilis na oras.

Sa Maynila, aniya may 380,000 pamilya ang kinilala na tatanggap ng P4,000 SAP bawat isa, base sa listahan na binigay ng barangay chairman alinsunod sa utos nito. Ang listahan ng mga nakatanggap na ng SAP ay naka-poste sa social media ng alkalde para magkaroon ng transparency.

MANILA DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE

SAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with