Railways balik sa limitadong operasyon
MANILA, Philippines — Muling magpapatuloy ngayong araw ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2) sa limitadong operasyon upang isailalim ang mga tauhan sa COVID-19 testing.
“We should not compromise the health, safety, and security of the traveling public and our working people. That is a non-negotiable position,” ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade.
Lilimitahan muna ang operasyon simula ngayong Lunes, kaya’t 10 hanggang 12 tren lamang muna ang kanilang pabibiyahihin at nasa 372 passengers per trainset o 124 passengers per car, upang makatalima sa pre-determined na bilang ng mga pasahero kada istasyon.
- Latest