^

Police Metro

Espenido, 2 pa nagpiyansa sa kasong homicide

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpiyansa ang kontrobersiyal na pulis na si Police Lt. Col Jovie Espenido at dalawa nitong opisyal na akusado sa kasong 6 counts of homicide.

Ayon kay Espenido, P240,000 ang piyansa niya kasama sina Police Executive MSgt. Renato Martir Jr. at Police Cpl. Sandra Louise Bernadette Bantilan na kanyang  dating mga tauhan.

Nitong Martes, boluntaryo silang sumuko sa Ozamiz City Police Station matapos maglabas ang Department of Justice ng warrant of arrest dahil sa kasong 6 counts ng homicide, base sa isinampang reklamo ng isang Carmelita Manzano noong 2018.

Pinatay umano ng tatlong akusado ang mister ni Carmelita na si Fancracio; anak na si Jerry; live-in partner ng kaniyang anak na si Victorino Mira Jr.; pamangkin na si Lito Manisan; live-in partner ng kanyang pamangkin na si Romeo Libaton; at isa pang Alvin Lapeña sa ginawang raid noong Hunyo 1, 2017 sa Barangay Cabinti.

Giit naman ni Espenido, kilalang mga tauhan ng pamilyang Parojinog at miyembro ng Martilyo Gang ang mga napatay na mga suspek.

Si Espenido  ay isa mga kontrobersiyal na mga pulis sa kasagsagan ng drug war ng administrasyong Duterte.

HOMICIDE

JOVIE ESPENIDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with