Ban sa mass gatherings sa NCR plus, istriktong ipatupad
MANILA, Philippines — Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP), local government units (LGUs), at mga barangay na istriktong ipatupad ang pagbabawal sa lahat ng uri ng mass gatherings kabilang na ang religious gatherings, at dini-discourage ang face-to-face meetings sa mga lugar na isinailalim sa mas mahigpit na general community quarantine (GCQ).
Magugunita sa anunsyo ng Malacañang, ay isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila, Laguna, Rizal, Bulacan at Cavite (NCR plus) sa GCQ bubble kung saan bawal ang mga social gathering maging ang non-essential travel.
Inatasan din ni DILG officer-in-charge Undersecretary Bernardo C. Florece Jr.,ang PNP na magtayo ng mga border checkpoints para mapigilan ang mga non-essential travel at magpatupad ng uniform curfew hours na mula alas-10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga alinsunod na rin sa kautusan ng pangulo.
“Kailangan nating maghigpit dahil tumaas na naman ang mga COVID-19 cases. Mass gatherings put the people, their families and communities at risk of contracting the virus. They can become super-spreader events. We therefore need everyone’s cooperation on the measures that the government is imposing to prevent the spread of the virus,” ayon kay Florece.
Ang mga marshalls, Barangay Disiplina Brigades, barangay tanods, ay hinihikayat din na magbantay at manita ng mga susuway.
Tatagal ang GCQ bubble ng dalawang linggo na nagsimula kahapon, Marso 22 hanggang Abril 4.
- Latest