^

Police Metro

Body camera isusuot na ng anti-drug cops

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magsusuot na ng body camera ang mga pulis na natalaga sa drug enforcement unit sa Metro Manila sa darating na Miyerkules.

Ito naman ang binigyan diin ni Maj. Gen. Angelito Casimiro, director ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Logistics at oobligahin na ang mga pulis na nakatalaga sa drug enforcement unit sa National Capital Region Police Office na magsuot ng  body camera sa kanilang mga police operations.

Nabatid na sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay ang mga pulis sa pagsusuot at paggamit ng body camera gayundin ang pagda-download ng mga videos.

Bagama’t hindi tinukoy kung ilang pulis ang pagsusuotin ng body camera, sinabi ni Casimiro na aabot sa 2,686 body cameras na nagka­kahalaga ng P288.82 mil­yon ang ipamamahagi sa 269 police units sa buong bansa habang 44 unit naman sa Metro Manila.

 Sunod namang sasanayin ang mga pulis ng drug enforcement units sa iba’t ibang lalawigan.

BODY CAMERAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with