‘Tax amnesty’ para sa ‘freelancers’ aprub na sa panel ng Kamara
MANILA, Philippines — Pasado na sa ‘tax panel’ ng Kamara ang panukalang “Freelancers Protection Act” ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, na naglalayong patawarin sa pagbayad ng buwis ang mga ‘freelancers’ o mga nagtatrabaho mula sa kanilang tahanan ngayong panahon ng pandemya.
Ayon kay Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, ang mga ‘freelancers’ ay maituturing na “tagapagligtas ng ekonomiya” at layunin ng kanyang HB 1527 na tiyaking mabigyan ng proteksiyon ang mga karapatang legal at mga benepisyo ang mahigit dalawang milyong Pilipinong ‘freelancers’ sa bansa.
Sasaklawin ng ‘tax amnesty’ ng HB 1527 ang ‘income taxes’ na nakapaloob sa Section 24 ng Tax Code, para sa mga ‘freelancers’ na kumikita ng kulang sa P1 milyon sa isang taon. Magiging 2% na lamang ito ng kabuuang kita na lampas sa unang P250,000.
Ayon kay Salceda, sisikapin din niyang maamyendahan ang iba pang isinasaad nito, kasama ang ‘percentage tax’ para sa mga hindi naman dapat magbayad ng VAT.
- Latest