February 15 deadline sa road clearing ops ng LGUs
MANILA, Philippines — Sa February 15 na ang deadline ng “Road Clearing 2.0’’ .
Ito ang ipinaalala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units (LGUs).
“One of the strategies that we will adopt is that once a road is cleared by the LGU, a contract is drawn up and signed by the barangay captain who then is now responsible for maintaining the cleared roads.There will also be an exit conference with the mayor so that he is advised of the results of the validation,” pahayag ni DILG OIC Bernardo C. Florece, Jr.
Anya,dapat ding maglagay ng no-parking signs at visual cues sa mga lansangan.
Sinabi rin ni Florede na sa February 16 hanggang March 2 naman ang validation period para sa lahat ng probinsiya, mga lungsod at bayan habang sa March 9 ang deadline para sa lahat ng DILG Regional Offices (ROs) na makapag submit ng kani-kanilang compliance data at forms at may attachments sa DILG Central Office (CO) – Bureau of Local Government Supervision (BLGS) kaugnay ng road clearing operations sa bansa partikular sa NCR.
- Latest