Rental fee ng meat vendors sa Quezon City inilibre
MANILA, Philippines — Ibinalik ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang bayad sa renta sa pwesto ng mga nagtitinda ng karne sa mga pampublikong palengke sa lungsod.
“We have decided to waive their rental fees to help them cope with the current crisis, and we enjoin our private markets to do the same,” ayon kay Mayor Joy Belmonte.
Ipinag-utos din ng alkalde sa Market Development and Administration Department (MDAD) na tulungan ang mga nagtitinda habang naghihintay ng ayuda mula sa Department of Agriculture.
Simula Pebrero 8, ipinatupad na ang price cap na P270 kada kio ng kasim at pigue, P300 sa liempo at P160 sa manok.
Ayon kay QC MDAD head Procopio Lipana, 24, palengke ang nag-abiso ng pork holiday dahil sa mahal ng presyo ng karne mula sa mga supplier ng mga ito.
- Latest